on marriage

February 13, 2010

Valentine Post: Naalala mo pa ba Thammie?

Para sa aking asawa:

Naalala mo pa ba nung una kong nahawakan ang iyong kamay? Wow sarap ng filing
Naalala mo pa ba nung una kong sinabi na ang ganda mo? Wow kinikilig ako
naalala mo pa ba nung una tayong nagdate? Wow totoo na to! BODHI at Tutuban
naalala mo pa ba nung una akong nagselos? Wow seloso pala ako
naalala mo pa ba nung una akong lumipad papuntang cdo para magpaalam sa pamilya mo? Wow, seryoso na talaga ako!
naalala mo pa ba nung naguusap tayo sa phone nang tungkol sa kahit ano? Wow, ang lalim mo pa lang kausap
naalala mo pa ba nung unang mong pinagluto ang pamilya ko? Wow, pasado ka sa nanay ko
naalala mo pa ba nung napgpapanggap akong nawawala para mas matagal kita makasama? Wow, i’m lost without you
naalala mo pa ba nung binibilhan kita ng pugon pandesal at masaya ka na doon? Wow, ngayon french bread na- whole wheat pa dapat
naalala mo nung babaunan pa kita ng yakult? wow, matamis ang pagmamahalan natin with lactobacilli shirota strain.
naalala mo nung nagpropose ako sayo sa orchidarium at nagulat ka? wow, pakipot ka
naalala mo nung naghahanda tayo para sa wedding? wow ang gastos pala
naalala mo nung araw ng kasal natin – yun ang araw na itinakda ng Panginoon na magsama tayo habang buhay? wow, this is lifetime commitment
naalala mo nung tayoy nagbabahay bahayan lang? wow ang simple ng buhay at masaya
naalala mo nung nalaman mong buntis ka? wow tatay na ako at ikaw ang ina
naalala mo nung naglamaze class tayo? wow, sarap katalaga samahan kahit sa lamaze class
naalala mo nung umiiire ka na sa delivery room? wow, dami kong pasa sa braso
naalala mo nung nakita mo si alyanna? wow, nawala ang pagod mo
naalala mo nung first night with alyanna? wow ang pakiramdam
naalala mo nung lumalaki na si alyanna? wow kamukha ko
naalala mo nung nagsasalita na si alyanna? wow galing mong nanay

naalala mo nung nalaman mong buntis ka uli? wow buntis ka nga uli

naalala mo nung nakita mo si Mika kamukha mo? wow swerte nung batang iyan

naalala mo ba lahat nang iyan? wow sa lahat pala ng importanteng araw sa buhay ko kasama kita. Kaya sana maalala mo na mahal na mahal kita. WOW, ibang klaseg pagmamahal na ito.

your pangga,
dennis

Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedintumblrmail

Comments are closed.